Thursday, December 10, 2009

Awit Ng Panunumpa sa Dambana

Ikaw ang aking araw
Ikaw rin ang aking gabi
Ikaw ang aking tanglaw
Ikaw rin ang aking kubli

Ikaw ang aking tag-araw
Ikaw rin ang aking tag-ulan
Ikaw ang aking kanlungan
Ikaw rin ang aking kalayaan

Ikaw ang aking hilaga
Ikaw rin ang aking silangan
Ikaw ang aking kahapon
Ang ngayon at ang bukas
Ikaw ang aking simula
Ikaw rin ang aking wakas

Sunday, December 6, 2009

Dukot

Yes, muntik na nga ako madukutan sa bus nung isang araw.�

I was walking down the aisle to get off the bus nang magpalit ng aisle seats ang isang ale at isang mama. Pagdating ko sa tapat nila, tumayo ulit ang mama. May dala siyang backpack na nakasabit sa harapan niya. Akala ko bababa na rin siya. Pero tumayo lang sa tapat ko.�

Nag-"excuse me!" ako pero di siya tumabi ni umusad. Hinintay ko siya dhail akala ko may kinukuha lang siya sa bag. Hanggang may maramdaman akong ibang kamay sa loob ng kaliwang bulsa ng pantalon ko.�

Inaabot ng walang-hiya ang cellphone ko!

Binraso ko nga siya sabay sigaw ng "tarantado ka ah!"

Natigilan din siya. At pinadaan niya na ako.�

Pagbaba ko ng bus, nakita kong bumaba din siya. Naisip kong balikan siya at sigawan ng "mandurukot" at suntukin. Pero sabi ko he's so not worth getting any more worked up over.

Kaya tumuloy na ako sa pupuntahan ko.

Malamang bagong modus ito. Yung magpapalit ng upuan ang mga hitad tapos sabay dukot sa dumadaan na pasahero. Beware!

Dukot