Tuesday, June 5, 2007
Alis dyan!
Oo, may iniisip ako. Ikaw. Iniisip ko, ano kaya kung sabihin ko na sa’yo ang matagal ko nang gustong sabihin. Na gusto kita. Magugustuhan mo kaya? Bibigyan mo kaya ng pagkakataon ang sarili mo na magustuhan din ako? O bale wala lang? Gaya ng pambabale-wala mo sa mga pagpaparamdam ko. Alam ko naman na may lamang iba ang isip mo. Pero wala ba talagang pag-asa na isipin mo rin ako? Kahit kailan? Siguro iisipin ko na lang na may putok ka. Para hindi na kita isipin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment