Ako. Baket?! Hindi masama mangarap.
May bagong CD sila. And by sila, I mean Mike (katabi ko), Mark (katabi ni Mike), and Japs (katabi ni Mark). ‘Di na kasali si Rico. Kasi tinanggal na niya ang sarili niya sa banda.
Ang title ng CD ay Bagong Liwanag. Kasi 'di na kasali si Rico. Narinig ko na. Sa listening party for select members of the media. Kamusta? Maganda!!! Tunog ‘90s. Early Rivermaya na may Eheads factor. Simple, madaling sakyan, lo-fi, parang jam-jaman lang. Wala na ang Euro stylings ni Rico. Kasi nga ‘di na siya kasali.
Bitin nga lang ang CD. Five songs lang. Ito kasi ang tinatawag na EP o Extended Play. Later in the year pa daw ang full album. By then may bagong lead vocalist na sila. Sa ngayon palitan sila ni Mike, Mark at Japs sa pagkanta.
No comments:
Post a Comment