Thursday, September 18, 2008

When Bubuy Met Anna

SEQ. 23. INT. BUBUY’S HOUSE / BUBUY’S BEDROOM. NIGHT.

Downtrodden, Bubuy walks to the side of his bed and gets down on his knees on the floor.

With tears running down his face, he clasps his hands, looks up at the sacred images on his wall, makes the sign of the cross, and starts to pray.

BUBUY

Lord, para nyo na pong awa, iligtas nyo po ang lolo’t lola ko. Alam ko po, hindi ko lang imagination yung mga nangyari kanina. Magpapakabait na po ako. Susundin ko na po talaga lahat ng Ten Commandments. Promise! Ibalik nyo lang po sila dito. Mahal na mahal ko po sila.

A sort of angelic voice responds to Bubuy’s prayer.

ANNA (OS)

Huwag kang mag-alala, Bubuy. Palagay ko naman walang masamang nangyari sa kanila…

Magugulat si Bubuy. Manlalaki ang mga mata nito at mapapatitig sa imahen ng Holy Family. Sabay mapapapikit ito sa sobrang weird ng mga nangyayari.

BUBUY (to himself under his breath)

Ano ba ‘to…? Kanina, hinahabol ako ng halaman. Ngayon naman, kinakausap ako ng santo.

The voice answers back.

ANNA (OS)

Psst…! Hindi ako santo. Andito ako.

Didilat si Bubuy at saka hahanapin ang pinanggagalingan ng boses. Lilingon siya and sees Anna from the foot of his bed. He lights up.

BUBUY

Ikaw…! Ikaw yung nagligtas sa ‘kin kanina…!

ANNA

Ako nga ‘yon! Ako nga!

BUBUY

Sino ka…?

Anna introduces herself excitedly.

ANNA

Hi! I’m Anna!

In her excitement, Anna spreads wide her bat-like wings. As she extends her hand to Bubuy for an introductory handshake, she is lifted off the ground revealing the absence of her lower body. Manananggal pala si Anna! Mahihimatay si Bubuy sa kama pagkakita sa kabuuan niya.

FADE TO BLACK:

Nang magkamalay si Bubuy, ang unang bubungad sa kanya ay si Anna, again with her bat-like wings widely spread brought about by her excitement. Mahihimatay muli si Bubuy, this time sa sahig.

FADE TO BLACK:

Sa muling pagmulat ng mga mata ni Bubuy, he hazily “sees” his lola singing to him the lullaby (generic) she always used to sing to him when he was smaller. He embraces her tightly and starts crying tears of joy and remorse.

BUBUY

Lola…salamat po at buhay kayo! Akala ko napano na kayo ni Lolo. Buti naman po ‘di kayo inano nung gumagapang na halaman. Sorry po sa nangyari kanina. ‘Di ko naman po sinasadyang masunog yung puno eh. Sorry din po na nagsinungaling ako sa inyo ni Lolo. Hinding-hindi ko na po uulitin yun.

ANNA (OS)

Talaga? Promise?

Biglang bibitaw si Bubuy sa pagkakayakap nang hindi tinig ng lola niya ang kanyang narinig. Paglingon at pagharap niya rito, si Anna pala ang yakap-yakap niya all that time. Gustuhin mang kumilos ni Bubuy, parang nanigas ang bawat hibla ng kalamnan niya sa takot. Nakahiga na siya nang maayos sa kama niya.

Medyo natigilan din si Anna dahil di niya alam ang ire-react sa nangyari. She manages a small wave at Bubuy.

ANNA (awkward na pa-cute)

Uh…hi ulit.

Bubuy suddenly finds his voice and starts to scream.

BUBUY

Hwaaah…!

Pati si Anna mapapasigaw bilang reaksyon kay Bubuy. Her bat-like wings spread wide once more dahil sa excitement.

ANNA

Hwaaah…!

Bubuy gets out of bed and dashes out of the room in fear. Patuloy pa rin ang pagsigaw nito.

Anna then flies after Bubuy.

ANNA (spouting)

Hoy! Hoy! Sandali!

No comments: