Nangyari ito sa National Heroes Day.�
Thursday, September 3, 2009
Anti-hero
Minsan nag-taxi ako mula Makati papuntang Shaw. Pumatak sa P92.50 ang metro. Inabutan ko ng isang daan ang driver. Sabi ba naman niya, "Pwede dagdagan mo?" Seryoso ang tono, hindi nakikiusap na may ngiti sa mukha. "Bakit?" lang ang naisagot ko. "Kahit sampung piso lang," balik niya sa akin, wala pa ring kababaang-loob ang tono. Pinunto ko sa kanya na "92.50 nga lang yang metro o!" habang hinahatak ko ang aking bag. Hindi siya umimik. Pagbukas ko ng pinto at habang lumalabas ako sa taxi sabi ko, "Dapat nga sinusuklian n'yo pa ako!" Akala ko tuluyan nang mananahimik ang driver. Pero hindi. Binigyan niya ako ng matalim na tingin at sabi, "Wala na nga akong sinabi eh." Natigalgal ako sa kapal ng mukha ng driver at hindi na nakapagsalita. Isinara ko na lang ng malakas ang pinto ng taxi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment