Sunday, November 2, 2008

The perks of being a taong-simbahan

Nakaka-libre ka ng pamasahe. Sa tricyle, sa jeep, sa fx. Tulad na lang kaninang umaga. Di tinanggap ng driver yung pamasaheng inabot ko. "Taga simbahan ka di ba?" nakangiting tanong niya. Tumango ako. "Thank you!" sabi ko. Tapos bigla ako na-conscious. Na-weirduhan siguro yung ibang mga pasahero. "Itong blue ang buhok na 'to, taga-simbahan?!" nagtataka siguro nilang tanong sa isip nila. Gusto kong sabihin na matagal na akong hindi active. Kaya nga nakapagpakulay na ng blue. Bago ako bumaba nag-thank you ulit ako sa driver, na hindi ko talaga mamukhaan. Pero di naman yun ang mahalaga. Ang importante namukhaan niya ako kaya naka-libre ng pamasahe bwahahahaha

No comments: