Sunday, January 20, 2008

A Parrot Story

Meron daw isang congregation ng mga madre na may isang parrot na napakahusay magdasal. Pag hinila daw ang right leg, automatic magdadasal ng "Ama Namin". Pag hinila naman ang left leg, automatic magdadasal ng "Aba Ginoong Maria". Proud na proud daw ang mga madre sa aparrot at ibinibida nila ito sa lahat ng mga bisita nila. Kahit sa obispo. Siyempre na-curious din ang obispo kaya sinubukan niyang hilahin ang mga paa ng parrot. At yun nga ang nangyari -- paghila niya sa kanang paa ng parrot, dasal kaagad ito "Ama namin, sumasalangit ka..." nang dire-diretso. Paghila naman sa kaliwang paa, agad nagdasal ng "Aba ginoong Maria, napupuno ka ng grasya..." nang walang puknat. Sobra daw natuwa ang obispo na inulit niya ang paghila sa magkabilang paa ng parrot. Tapos bigla siya daw siya nagka-idea. Hinawakan uli niya ang dalawang paa ng parrot at sabay hinila. Sa sobrang gulat, ito daw ang nasabi ng parrot: "Ay putang ina, putang ina! Bakit mo hinila ng sabay ang mga paa ko, walang hiya ka! Mahuhulog ako dito, hayop ka! Hayop!"

Sana daw 'di tayo katulad ng parrot na religious in word but not deed and in spirit. Magaling lang kapag okay ang lahat pero kapag nasubukan, kapag na-stretch, bumibigay kaagad.

No comments: