Wednesday, January 9, 2008
Pulut-pulutan school of conductoring!
Sumakay ako ng Fairview-bound bus sa Cubao para bumaba sa Kamias. Hindi kinuha ng konduktor ang bayad ko until sa may bandang Q-Mart. I gave him a 20-Peso bill at sinuklian naman niya agad ako ng 10 pesos. Pero di niya ako binigyan ng ticket. Kinuha muna niya ang bayad ng isa pang pasahero. Wait ako. Sabi ko baka naman isasabay niya ang pagbigay ng tickets sa aming dalawa. But no! So sabi ko, "Manong, ticket ko po". Nagbingi-bingihan school of acting siya at inatupag naman ang bayad ng isa pang pasahero. Sa puntong iyon ay nasa Kamias na kami at tumayo na ako para bumaba. "Ticket ko po," muli kong sinabi sa konduktor. Tsaka pa lang niya ako inasikaso. Nag-bend siya forward palayo sa akin at pag straighten up niya may iniabot na ticket sa akin. Napansin ko folded ito. Pero dahil lampas na ng Kamias pumara na ako. Na-realize ko agad na pinulot lang ng konduktor ang ticket na binigay niya sa akin. Nainis ako pero nag-decide na hindi na gumawa ng eksena. Itinapon ko na lang pabalik sa sahig ang ticket habang pababa ng bus, sabay bulong, "Sana ma-karma ka manong. Leche ka!"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment