Tuesday, February 12, 2008

Left, Right, Wrong

May isang eksena sa kalye nung isang araw na ikinainit ng puso ko at ikinainit din ng ulo ko. May tumawid na dalawang bata, apparently magkapatid. Ang mas matanda, si kuya, mukhang mga four years old, at ang little girl malamang 1 pa lang. Hawak ni kuya ng mahigpit si little sister with his right hand habang yung isang kamay naman niya ginamit niya to motion ng "para" sa mga sasakyan on both sides of the street. Dahan-dahan niyang itinawid ang sister niya. Napa-"awww" talaga ako in my mind. Pero eto. Nang ma-off balance ang sister niya pag hakbang paakyat sa pavement, pinalo niya ito sa ulo with his hand -- na may hawak ng maliit na plastic filled with 1-Peso coins. Uminit talaga ang ulo ko, pero hindi sa bata. In fact, naawa ako sa kanya. Ang bata bata pa niya, mabigat na ang kamay niya. Malamang ganun din sa kanya ang mga elders niya. That's just wrong.

No comments: